Mahirap na ngang makahanap ng totoong koneksyon, lalo pa kung app pa ang nagpapahirap dito. Napakaraming dating app ang ginawa para patuloy kang mag-swipe at magbayad, hindi para tulungan kang talagang makakilala ng isang tao.
Gusto naming gumawa ng kakaiba: isang libre at ligtas na espasyo kung saan malayang makakakonekta ang mga tao at makakabuo ng mga relasyong mahalaga, nang walang mga paywall na humaharang sa daan.
Patuloy kaming nakikinig sa komunidad namin, nagdaragdag ng bagong feature, at pinapahusay ang platform sa lahat ng oras, habang palaging nananatiling libre ito. Dahil mas mahalaga sa amin na tulungang magkita-kita ang mga tao kaysa humarang dito.
Mabait at patas kami sa lahat ng nasa ecosystem namin. Naniniwala kami na malaki ang naitutulong ng kabaitan sa pagbuo ng mas magandang lipunan.
Lubos kaming bukas, tapat, at malinaw. Hindi kami nagtatago sa likod ng mga third party at hindi kami naiimpluwensyahan ng sinumang nasa labas ng Agilis. Dahil dito, napapanatili namin ang disiplina, integridad, at mga prinsipyo namin.
Iginagalang namin ang privacy mo, at ang paggalang na ito ang batayan ng paraan ng paggamit, pag-iimbak, at pagproseso namin ng data. Hindi namin ibinebenta ang personal mong data sa mga third party para kumita.
Ikinagagalak naming makatrabaho ang mga magagaling na contributor na tumutulong para manatiling libre ang Agilis para sa lahat. Ilan sa kanila ang itinatampok sa ibaba.
Jehan Rajendra
Product at Founder
Surbhi Sharma
Growth at Marketing