Ghosting

Ilustrasyon tungkol sa ghosting

Naiintindihan namin. Minsan talagang hindi kayo nagkakasundo, at napagpasyahan mong panahon na para mag-move on mula sa isang Match.

Bago mag-unmatch, hinihikayat ka naming magpadala ng maikli at mabait na mensahe para ipaalam ito sa kabila. Nananatiling magalang ang lahat, at walang naiiwang nakabitin.

Kung mahigit 3 araw nang hindi sumasagot sa mga mensahe mo ang Match mo, puwede mo siyang i-report bilang ghost sa Chat screen.

Kapag na-report ang isang tao, nadadagdagan nang 1 ang kanyang mga ghosting report (isang friendly na ghost-o-meter). Makikita ito ng mga magiging Match niya, isang magaan na paalala lang para sa mas maayos na komunikasyon.

Kung masyadong dumami ang mga ghosting report… sabihin na lang nating kami na ang susulat ng mensaheng ito para sa sarili namin.

…Hello? Nandiyan ka pa ba? 😨

Download

qr-code
appstore playstore
mobile-app-img

Socials

facebook instagram linkedin twitter tiktok
-->

We use cookies to enhance your browsing experience, serve personalized ads or content, and analyze our traffic. (View Cookie Policy)