Manatiling Ligtas Online

Ilustrasyon tungkol sa pagiging ligtas online

Nakaka-excite ang makakilala ng mga bagong tao online, pero may kasama rin itong mga hamon. Protektahan ang sarili mo gamit ang mga libreng feature ng app, halimbawa ang voice at video call, para makilala muna ang isang tao bago kayo lumalim.

⚠️ 3 red flag na dapat bantayan:

1. Paghingi ng phone number

Hinihingi agad ang phone number mo pagkatapos ninyong mag-match. May libreng chat at voice/video call ang app, kaya tanungin ang sarili mo: bakit kailangan nila ang personal mong phone number?

2. Pagpapalipat sa ibang app

Pinapa-download ka ng ibang app (hal. Telegram) o ng hindi kilalang app kung saan maiiwasan nilang ma-ban, tapos ipinipilit na doon na kayo mag-usap. Mag-ingat: puwedeng paraan ito para ilayo ka sa mga safety feature.

3. Pamimilit o pamumuwersa

Pinipilit kang gawin ang mga bagay na ayaw mo, halimbawa paulit-ulit na paghingi ng mga explicit na larawan kahit sinabi mo nang “hindi.” Kung hindi kayang igalang ng isang tao ang iyong mga hangganan o privacy, malamang hindi ka rin niya igagalang sa ibang bagay sa hinaharap.

💡 Tandaan: Magtiwala sa iyong kutob. Kung hindi ka komportableng ipakilala ang taong ito sa mga kaibigan o pamilya mo, baka masyado pang maaga para dalhin ito sa susunod na level.

Laging nauuna ang kaligtasan mo.

Download

qr-code
appstore playstore
mobile-app-img

Socials

facebook instagram linkedin twitter tiktok
-->

We use cookies to enhance your browsing experience, serve personalized ads or content, and analyze our traffic. (View Cookie Policy)